Division Seminar Workshop, inilunsad: 200 SPA, lumahok

This straight news I wrote (output in Filipino) for the recently culminated Division Seminar Workshop for School Paper Advisers won first place.

School Paper Advisers

BALANGA CITY, Bataan – Humigit kumulang sa dalawang daang School Paper Advisers (SPA) mula sa elementarya at sekondarya ang lumahok sa inilunsad na Division Seminar-Workshop for School Paper Advisers na ginanap sa Crown Royale Hotel, Agosto 19.

Layunin ng nasabing gawain na bigyan ng karagdagang kaalaman ang mga school paper advisers tungkol sa iba’t ibang kategorya ng Campus Journalism.

Tinalakay ni G. Emmanuel Zacharias sa unang araw ng seminar-workshop ang School Paper Management. Binigyang diin naman ni G. Ben P. Medina ang News Writing at Editorial Writing. Bago matapos ang kanyang panayam, ipinakita niya ang pagkakahalintulad at pagkakaiba ng News Writing, Feature Writing, at Editorial Writing. Ipinaliwanag naman ni Bb. Annabelle Ambrocio ang wastong gamit ng mga simbolo sa Copyreading at ang mabisang paggawa ng Headline.

Sa ikalawang araw ng seminar-workshop, ipinakita ni G. Edgar Valencia ang mga dapat isaalang-alang sa pagkuha ng larawan sa Photojournalism. Ipinaliwanag din niya ang mga teknikal na aspeto ng kamera. Ipinakita naman ni Dr. Andres Matawaran ang mga salik na nakapaloob sa Feature Writing at Science Feature. Sinabi niya na “ang Science Feature ay isang Feature article na may mas maraming impormasyon.” Binigyang-pansin naman ni G. Joel Castro sa kanyang panayam ukol sa Cartooning kung paano ituro sa mga bata ang tamang pagbuo ng konsepto.

Ibinahagi ni G. Ronaldo Punla sa huling araw ang mga Sports-lingo na ginagamit sa Sports Writing. Sinabi niya na dapat ipakita ng isang Sports Writer ang mga “action” sa sports upang makuha ang interes ng mambabasa. Isa rin sa mga resource speaker si G. Mark Sherwin Balor na nagpanayam ukol sa Collaborative Writing.

Matapos ang lahat ng panayam sa ikatlong araw ay magkakaroon ng election ng Bataan Association of Elementary and Secondary School Paper Advisers (BAESSPA) Officers sa ganap na 3:30 – 5:00 ng hapon.

Ang punong-abala para sa tatlong-araw na Division Seminar-Workshop ay si Gng. Mila D. Calma, Education Program Supervisor ng Filipino.

Advertisements

About harksarmiento

Filipino. 22. Teacher of English. Writer. Leader and Team-builder. Speaker. Graduate of BSED at BPSU - DC. Plays badminton and scrabble at leisure. Avid netizen. straightforward. sarcastic. tenacious. neurotic. LOVES philosophy and psychology, logic, languages, music, politics, and religion. INTERESTS: blogging, watching movies, writing, reading.

Posted on September 9, 2015, in Education, NEWS, SEMINARS and tagged , , , , , , , , . Bookmark the permalink. Leave a comment.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: